Sa wakas may ‘net na ako dito sa apartment!
Grabe, isang linggo na ako dito sa Australia at ngayon lang ako makakapag-blog uli. Ayaw kasi bumili nung AUD 70 para sa isang linggong ‘net connection. Sobrang mahal naman kasi nun! Buti na lang may nahiram ako sa opis para maka-online.
Kaka-miss mag-Tagalog! (Filipino? Hehe. Ano ba yung “miss” sa Tagalog kasi?)
Yung pic sa taas, di kami umabot dun sa harap ng Opera House dahil pagod na kami sa kakalakad. Subukan ko pumunta sa harap minsan para may matino-tinong litrato naman.
Susubukan ko na din mag-post uli gabi-gabi. Dami ko pa kwento na ihahabol! Abangan.









